Usapang Pera, Tara dumiskarte tayo sa buhay!

Translate

Sunday, May 29, 2022

2nd loan sa Tala Lending App. Approved in just 1 minute!

2nd Loan sa Tala lending app, approved in just 1 minute?




So eto na nga, nagtry nga ako mag loan sa tala lending app in the philippines at ang first loan na nakuha ko nga ay 2000 pesos, payable in 2 months  at ang interest ay 570 pesos, sobrang baba ng interest dba? Maaari mo din i set ang date kung kailan mo ito gustong bayaran (either 1 month - 2 months) pwede mo pang isakto sa mismong sahod mo sa trabaho para hindi ka mahirapan magbayad kung sakali. 

Kung first timer ka and you don't know how to use tala loan app at gusto mong mag apply for loan.



Pero kung nakapag loan kana at gusto mo mag reloan, basahin hanggang ilalim ang mga paraan at tips kung paano tumaas ang chance na ma approved ulit sa 2nd loan at sa susunod pang loan na iyong kakailanganin na pwedeng magamit pang emergency funds.

Disclaimer:

Lahat ng aking i seshare dito ay base lamang sa personal experience ko, makakasigurado naman na lahat ng aking sasabihin dito ay totoo.

Paano ma approved for 2nd loan?

Ang ginawa ko ay, nagbayad ako ontime, kung may pera kana din naman bayaran mo na ng mas maaga para mas malaki ang chance na mag offer ulit sila ng 2nd loan. Once na approved ka for 2nd loan, makakareceive kadin ng text message from Tala na "your application for a loan ftom Tala has been approved!"




Magkano ang amount ng 2nd loan ko?

Ang amount ng 2nd loan na inoffer sa akin ay 2500, tumaas ng 500 pesos from 2000 on my 1st loan. Hindi nadin masama.


Ilang buwan pwede bayaran ang 2nd loan?

Ganun din parang sa 1st loan ko, pwede mo siyang i set ng 1 month to pay or 2 months. Depende kung saan ka mas hindi mahihirapan magbayad.


Magkano ang interest?

Sa aking computation, ang total amount na nakuha ko ay 2500, at ang babayaran ko sa due date ko including the interest is 3,212 pesos bale ang interest ay 712 pesos. Hindi nadin masama, lalo na't 2 months to pay.


Gaano kabilis ang processing ng 2nd loan?

Actually dito ako nabigla, after ko nagbayad ay after 1 minute ay may inoffer agad sila na reloan at yun na nga yung 2500. Sobrang bilis grabe! Kaya mas maganda talaga kung hindi ka late magbayad para mas may chance na mag offer sila ng 2nd loan.


Kailangan pabang mag fill up ulit at magsubmit ng ID/documents para sa 2nd loan?

Hindi na po, pag may offer na sayo for 2nd loan kailangan mo nalang ilagay ang bank account/coins.ph account para isesend nalang yung pera.


Ilang araw marereceive ang loan amount sa bank account?

Based on my exp. morning ko inaccept yung loan and nilagay yung bank account ko then mga afternoon nagulat ako ng matransfer agad yung loan amount sa bank account ko. Kaya sobrang bilis! 



Sobrang laki ng tulong ng tala lending app sakin, yung mga biglaang bayarin ay nababayad ko dahil sa lending app na to' Sana kayo rin ay makatulong sa inyo ang Tala lending app na to. Hindi gaanong mataas ang interest at pwede mo pang iset kung kailan mo gusto bayaran ang loan mo.


No comments:

Post a Comment