Paano nga ba mag loan sa Shopee app?
credit from shopee |
Sinubukan mo na bang mag apply ng loan or manutang sa ibang Online lending apps or loan app elite pero bigo padin ma approve kahit kumpleto naman ang requirements na sinubmit mo? Sobrang hirap niyan lalo na't kailangan kailangan mo ng pera dahil bayaran na ng tubig, ilaw at iba pang bills sa bahay kaya napipilitan kang mang utang. Minsan na approved ka nga, pero sobrang laki naman ng interest at nanghaharass pa ang mga agent ng Online lending apps. Huwag kang mag alala, dahil sa post na ito may i seshare akong bagong idea kung saan pwede mag apply ng loan.
Narinig mo na ba ang Sloan? Kung hindi pa panatilihing basahin ang post na ito nang magkaroon ka ng ideya kung ano ang Sloan, ang ibig sabihin neto ay Shopee loan. Oo, hindi ka nagkakamali pwedeng umutang sa Shopee! Hindi nalang ngayon bumili at mag order sa shopee, pwede nadin mag loan sa bagong features na to. Laking tulong neto lalo na sa mga kinakapos sa budget at kailangang magbayad ng bills. Pero tandaan pili lang ang mga inoofferan ng shopee loan.
Ang amount na pwedeng i loan sa Shopee app ay max to 50,000 Php at pwede bayaran sa loob ng 2, 3 or 6 months. (Ang 6 months na payment term option ay available lang sa mga selected users)
Eto ang sample computation ng monthly at interest kung nag loan ka ng halagang 15,000 pesos sa Sloan app.
Kung 2 months ang napili mong payment term, sa halagang 15,000 na loan, ang makukuha mo lang ay 14,850 dahil meron service fee. Ang monthly na iyong babayaran ay 8,272.50 pesos and 2 months payment term. Ang kabuuan ng iyong babayaran ay 16,545 pesos! Sobrang baba hindi ba? Sa 15,000 pesos pwede ka nang makapag tayo ng negosyo.
Eto ang ilan sa mga Government IDs na tinatanggap ni Shopee loan app kung may apply ka.
- Drivers License
- Postal ID
- UMID
- PRC ID
- Passport
- National/Philsys ID
Paano nga ba malalaman kung qualify ka for cash loan sa Shopee?
Una, i open ang iyong shopee app, at pumunta sa notification. Kapag nakakita ka ng notification tulad ng image sa baba, ibig sabihin ay qualified ka for cash loan sa Shopee.
Isa rin sa paraan para malaman kung qualified ka for cash loan sa Shopee app ay open ulit ang shopee app, at pumuta sa iyong profile, kapag nakakita ka ng Sloan sa ilalim ng iyong wallet tulad ng sa picture sa baba ay ibig sabihin ay qualified ka for cash loan.
Kung hindi ka pa qualified for cash loan sa Shopee loan app ay huwag kang mag alala. Panatilihin lang gamitin ang shopee, bumili sa mga store at panatilihin aktibo sa pag gamit ng app, dahil soon ay magiging qualify ka din.
Kung hindi kapa qualified at pwede mo munang subukan ang ilan sa mga sumusunod na Online lending app:
Kung qualified kana, Paano naman mag apply ng loan sa Sloan?
Ayun na nga, kung meron ng Sloan sa iyong shopee app ibig sabihin ay qualified kana for loan na up to 50,000 pesos! I click mo lang yung "Get up to 50,000" at mapupunta ka sa page na tulad ng screenshot sa baba, I click mo lang ang "activate now."
Once na napindot mo na yung "activate now." magpapadala ng text message ang Shopee na naglalaman ng Verification code, i copy lang ang 6 digits code at ipaste. I double check and code kung tama. Kung tama naman ay i click ang next button para magpatuloy.
Pagkatapos ay mag submit ng Valid Government ID.
Eto ang ilan sa mga Government IDs na tinatanggap ni Shopee loan app kung may apply ka.
- Drivers License
- Postal ID
- UMID
- PRC ID
- Passport
- National/Philsys ID
Kapag nakapag submit na ng ID, fill up'an din ang additional information na need sagutan sa page 2. At ang huli naman ay ang Facial Verification, para lang i verify ng shopee na ikaw talaga ang nag aapply. Tulad lamang din ito sa ibang online lending apps.
Kung tapos mo nang sagutan form at magsubmit ng government ID at facial verification ay i rereview na ng shopee ang iyong applicaition. I rereview ng shopee ang iyong loan application sa loob ng isang araw.
Malalaman mong approved ang iyong loan dahil may marereceive ka ng text from shopee at mismong sa app ay may makikita ka na"Congrats! You have sucessfully activated Sloan with 15,000.' Ayun na nga pwede mo nang magamit ang 15,000 na yun sa pag bili mismo sa shopee app or pwede din i transfer ang sloan amount mo to Gcash account.
No comments:
Post a Comment