Usapang Pera, Tara dumiskarte tayo sa buhay!

Translate

Sunday, May 1, 2022

Best Lending Apps in the Philippines

List of Best Lending apps here in the Philippines.




Minsan kana din bang na nangailangan at nashort sa pera ngunit hirap makapag loan sa mga app elite at sa banko? Huwag kang mag alala, sa post na ito ay ituturo ko sa inyo ang ilan sa mga legit and best lending apps available in the philippines na pwedeng makatulong sa iyong problema pag dating sa pera.

Ang mga lending apps na aking ibabahagi ay mga nasubok at napatunayan ko nang nakatulong sa akin, sa panahong kailangan ko ng pera at hirap makapag loan sa banko sa kadahilanang may pending car loan pa ako. Opo, tama ang iyong nabasa kahit may mga pending loan kayo ay pwede kayong makapag loan sa mga lending apps na aking ibabahagi.

Kung may pending loan kana sa banko, ay subukan mo padin mag loan sa ibang bank. Sabi ng iba, pwede pa raw kahit may existing loan kana. Mas advisable padin sa banko lalo na't mababa lamang ang interest kumpara sa sa mga lending apps online.

Pero kung wala ka nang choice at kailangan mo na talaga ng pera pambayad sa mga bills at kung anu ano pa, ibabahagi ko sa inyo ang mga lendings apps na nakatulong saken noong panahong ako'y nangangailangan ng pera.


Best Lending apps in the Philippines


Tala lending app in the philippines
credit from Tala

1. TALA 

Sa aking pag sasaliksik, nakita ko ang content na to sa isang youtube vlogger, binasa ko ang mga comments at puro positive naman kaya sinubukan ko ito. Ang app ay madodownload sa playstore at madali lamang itong gamitin, hindi kumplekado ang mga gagawin.



Loans range from PHP 2,000 to PHP 15,000 with rates as low as 9% only.


Ang first loan na inoffer sa akin ay 2,000, not bad for first time. Kung pambayad ng kuryente at tubig ang kailangan mo nirerekomenda ko ito. 

2,000 ang naloan ko, at buo ko itong nakuha. Ikaw mismo ang mag se'set ng due date kung kailan mo ito gustong bayaran ang max ay 2 months, kaya sinet ko ang due date ng akin ng max, so 2 months to pay and due date ko.

Ang interest ay 570 only!!! Sa loob ng 2 months, akalain mo yun sobrang baba ng interest? Pwede pa itong bumaba kung mas maaga mong masesettle yung payment mo or aagahan mo yung due date mo.

Ang maganda sa tala app, pag good payer and on time ka magsettle ay may chance na lumaki ang loan amount mo in the future.



credit from billease

2. BILLEASE 

Na short ang pera ko at kailangan namin magbayad ng kuryente, tinry ko ang billease cash loan app at hindi ako nito binigo. Masasabi kong ito na ang the best cash loan app sa Pilipinas! Talagang nakakatulong ito sa mga taong nagigipit ang kailangan magbayad ng bills. Hindi lang cash loan ang pwede sa billease, pwede rin ito pang online shopping (Lazada, Shoppee at ibang online shop)

First loan amount (base on my experience)
4,000 limit.

4,000 ang limit ko at ang makukuha ko ay 3,600 lang. At ang payment terms na available ay 2-3 months, pero sinagad ko na ito ng 3 months, so per month na babayaran ko ay 1,473 pesos. If icocompute mo ay 4419 ay total na babayran ko, so ang interest ay 919 for 3 payment terms. Hindi na masama dba? Sobrang baba na compare sa ibang lending apps jan!




Ang kagandahan pa sa billease cash loan app ay pwedeng ikaw ang mag set ng date kung kailangan mo gusto at kayang magbayad, pwede mong i set sa mismong araw ng iyong sahod para hindi ka mahirapan sa pagbabayad.







credit from acom

3. ACOM

Nasubukan ko din to, and yes legit siya and mababa din ang interest. Madali lang din mag apply, di kumpledo gamitin ang app. Kung malaking pera ang kailangan mo, ito na ang the best lending app na i rerecommend ko.

Loans range from PHP 3,500 to PHP 500,000 with rates as low as 3.315% – 4.563% mo. 


Ang first loan na inoffer sa aking ng acom ay 15,000 not bad for first timer, right? Pwedeng pwede sa mga gustong mag negosyo or medyo malaki ang bills na babayaran. 

15,000 ang na loan ko at meron 1,500 processing fee so ang nakuha ko ay 13,500 pesos. At may interest na 4,000 kaya ang kabuuan ay 19,000 payable to 10 months. Hindi na masama.

Kung sa business mo ito gagamitin, sulit na sulit na. Ang kagandahan pa neto ay hindi nang haharass ang kanilang mga agent, bot lang ang mga tatawag sayo. 



Best Lending Apps in the Philippines
credit from CIMB Bank

4. CIMB


Sobrang bilis ng processing sa lending company app na to, kung malakihang pera din ang kailangan mo dito ka din pwedeng mag loan. Sobrang professional din ng kanilang mga agents. Ang maganda pa ay years to pay, kaya hindi gaanong mabigat sa bulsa.

Loans ranges from PHP30,000 to PHP1,000,000 with repayment terms ranging from 10 to 60 months with rates 3.315% – 4.563% mo


Example computation:

7,500 ang niloan mo at payable to 10 months, ang total ng interest mo ay 2,007.56, sobrang baba diba? 

Recommended ito sa mga may babayaran na malaking bayarin at sa mga gustong mag tayo ng negosyo. Sulit na sulit na ang interest na babayaran sa tagal ng due date neto. 


Best Lending Apps in the Philippines
credit from tonik

5. TONIK


Sobrang bilis magloan dito in just minutes malalaman mo kung approved kaba or hindi sa ia'apply mong loan. Madali lang din gamitin ang app. Secure fast and easy, no collateral pa. Simple lang din mga requirements, pwedeng pwede to sa mga mag tatayo ng business or may babayaran na medyo malaki. Pwede mo pang i set yung payment sa mismong araw ng sahod mo, depende sayo.

Loans range from PHP5,000 to PHP50,000 with repayment terms ranging from 6, 9, 12, 18, or 24 months installment with 7% rates, 5.42% when you link your salary payroll ATM card.


Ang maganda dito, ay no credit history required, kung panget ang credit history mo sa banko ay hindi sila mag babase dito kung bibigyan kaba ng loan or hindi.

Example computation:

Kung mag loloan ka ng 20,000 payable to 24 months or 2 years, and monthly payment mo ay 1,508.72.

credit from tonik



Eto pa ang ilan sa mga nasubukan ko na din.

No comments:

Post a Comment