Usapang Pera, Tara dumiskarte tayo sa buhay!

Translate

Tuesday, May 31, 2022

Cash loan sa Billease Lending app

How to apply for a cash loan on Billease lending app?

So eto na nga, nashort ang pera ko at kailangan namin magbayad ng kuryente, tinry ko ang billease cash loan app elite at hindi ako nito binigo. Masasabi kong ito na ang number 1 and the best cash loan app sa Pilipinas! Talagang nakakatulong ito sa mga taong nagigipit ang kailangan magbayad ng bills. Hindi lang cash loan ang pwede sa billease, pwede rin ito pang online shopping (Lazada, Shoppee at ibang online shop)

Ang first amount na inoffer sa akin ng billease ay 4,000 not bad for first timer diba? Kung nabababaan ka, huwag kang mag alala dahil may chance pa na tumaas yan pag good payer ka at on time ka magbayad. 

Ang kagandahan pa sa billease cash loan app ay pwedeng ikaw ang mag set ng date kung kailangan mo gusto at kayang magbayad, pwede mong i set sa mismong araw ng iyong sahod para hindi ka mahirapan sa pagbabayad.

Computation ng aking loan na nakuha:

4,000 ang limit ko. Pinili ko ang max amount sa gcash. Yung right is yung amount na makukuha mo (3,600) so sa 4,000 na limit ko ang makukuha ko ay 3,600 lang. At ang payment terms na available ay 2-3 months, pero sinagad ko na ito ng 3 months, so per month na babayaran ko ay 1,473 pesos. If icocompute mo ay 4419 ay total na babayran ko, so ang interest ay 919 for 3 payment terms. Hindi na masama dba? Sobrang baba na compare sa ibang lending apps jan!


Pwede mong itransfer sa Gcash, Paymaya, Coinsph at iba. Pero dahil may gcash nako ay pinili ko ito. Siguraduhin lang na tama ang mobile number, para hindi maligaw ang loan payment sa iyong gcash account.

Paano gumawa ng account at mag sign up? 



Pag okay na ang iyong account, kailangan mo itong i activate para makakuha ka ng cash loan. I click lang ang "activate account". 


Fill up'an lang ang mga details. Sa lahat ng mga lending app, kailangan talaga natin ilagay ang personal details natin. Tandaan, ilagay ang tamang details para mas malaki ang chance na maapproved ka for cash loan.


Anu ano nga ba ang mga Valid ID's na pwedeng isubmit sa Billease?

• NationaI ID (PhiISys ID) 
• Passport 
• Drivers License
• PRC ID
• Voters ID
• GSIS E-card
• SSS Card
• Senior Citizen Card
• UMID
• NBI Clearance
• Postal ID

Kailangan mong ilagay ang ID number at picturan ang ID na iyong gagamitin, panatilihing malinawag at hindi blurd ang picture ng iyong Valid ID, para mas may chance na hindi magtagal sa pag apply.

Kailangan mo rin mag selfie verification, ito ay mahalaga para i verify ng Billease na ikaw talaga ang mag apply at hindi ang ibang tao. I gitna lang ang iyong mukha sa camera, dapat ay kita lahat ng parte ng iyong mukha, maganda ang ilaw at hindi blurrd.

Kapag sucessfull ang iyong pag submit ng ID and selfie photo ay kailangan mo namang sagutin "Income source" page. Mag select kung Employment, Remittance, Freelance or Business. Then, ilagay ang mga details na kailangan ilagay. 

Such as:

• Industry
• Employer
• Monthly gross income
• Payout Frequency (kung tuwing kailan kayo nagsasahod)
• Job title (kung anong position mo sa iyong trabaho)

Pagkatapos mong fill'upan ay need mo nang iupload or isubmit ang proof of billing (such as electric bill, water bill or internet bill na naka address sa bahay niyo)

Kailangan din mag submit ng proof of income, dahil dito minsan nagbabase ang Billease kung magkanong amount ang pwede niyang i offer sayo.

Proof of income na pwedeng isubmit ay mga sumusunod:

• Payslip
• Statement of Bank Account
• Paypal Transaction History
• Remittance Slips
• Certificate of Employment (COE)
• Upwork

Once na makumpleto mong i fill up ang lahat ng nasa taas ay i click mo lang submit button at i rereview na ng Billease kung qualified kaba for a cash loan, minsan it take 2-5 mins lang malalaman mo na kung mag i ooffer silang cash loan sayo or amount limit. 

Kung approved ka or qualified ka for credit limit, may makikita kang message sa baba na app na "Congratulations, your billease application has been approved."

Based on my experience, 4,000 ang limit amount ang inoffer sakin ng Billease, pero ang tanong.

Paano nga ba i claim or i cash out ang limit amount sa gcash or any digital wallet?

Pumunta ka sa home at i click ang "E-wallet"

Heto ang mga digital na wallet na pwedeng pang transfer ng iyong credit limit, pinili ko ang Gcash dahil meron ako neto compare sa ibang digital wallet.

4,000 ang limit ko. Pinili ko ang max amount sa gcash. Yung right is yung amount na makukuha mo (3,600) so sa 4,000 na limit ko ang makukuha ko ay 3,600 lang. At ang payment terms na available ay 2-3 months, pero sinagad ko na ito ng 3 months, so per month na babayaran ko ay 1,473 pesos. If icocompute mo ay 4419 ay total na babayran ko, so ang interest ay 919 for 3 payment terms. Hindi na masama dba? Sobrang baba na compare sa ibang lending apps jan!


Kung gusto mong ituloy ang iyong loan ay i click lang ang continue. 


I review ang loan details, sguraduhing tama ang details bago nyo i continue. I check ng mabuti! Baka pera na, naging bato pa.

Basahin ng maigi ang contract bago i click ang confirm with pin button. Pag nabasa na, ay pwede mo ng i click ang confirm with pin button para mag proceed. 

Maghintay lamang ng ilang minuto para iprocess ng Billease ang iyong loan, once na okay na ay makaka received ka ng text from Gcash na naitransfer na ang pera sa iyong gcash account.

I double check sa iyong gcash account kung na i transfer na nga ang loan amount. At iyon na! Hindi na kailangan maghintay ng ilang araw para mareceive ang loan amount, di tulad sa ibang lending apps na sobrang tagal ng processing, minsan sa kakahintay mo ay disapproved kanaman pala.

No comments:

Post a Comment