Usapang Pera, Tara dumiskarte tayo sa buhay!

Translate

Friday, June 3, 2016

Madaling paraan para ma Hide ang mga Photos and Videos

Nais mo bang hindi makita ang mga ibang photos and videos sa iyong Android phone sa tuwing hihiramin ng iyong kaibigan, kaklase o kakilala angg iyong cellphone? Yung iba nag dodownload and gumagamit pa ng application para itago nila ang kanilang mga photo and videos, pero di nila alam may simpleng paraan na para diyan. Wala ka nang gagamiting application pa.

Paano? Ganito lang, Una punta ka sa File manager ng iyong cellphone at pindutin ang setting and hanapin mo yung "Show Hidden files." at pindutin mo. Pagkatapos nun ay gawa ka ng bagong Folder mo kung saan mo ilalagay yung mga gusto mong itago. Tandaan para matago o ma Hide yung mga photos and videos lagyan mo ng tuldok (.) sa unahan ang pangalan ng folder na ilalagay mo. Halimbawa .myphotoandvideo kase pag may tuldok automatic na mahihide yung mga files. Pagkatapos mo gumawa ng Folder doon mo ilagay yung mga photos, videos or files na gusto mo itago. At panghuli punta ulit sa File manager setting and click mo yung "Don't show hidden files." Para macheck kung gumana nga, Punta ka sa Gallery at icheck kung natago or na hide nga mga photos and videos.







Pwedeng pwede din rin naman gumamit ng application, tulad ng Gallery Vault application. Madami ang features ng app na to, Hindi lang photos and videos ang pwede mo i hide. Pwede rin yung mga audios and ang kinds of files na gusto mo ihide. Pwede din mag Private browse sa app na to. Ang kagandahan ng app na to e hindi kinakailangan Rooted ang phone mo, it means kahit hindi ka rooted e magagamit mo ang file na to. At ang isa pang ikinaganda ng app na to is, pwede mo mahide yung app icon sa Launcher kaya hindi nila malalaman na naghide ka ng photos and videos or kung anu ano paman. Paano? Punta ka lang sa Gallery vault app and click setting na nasa ilalim, at may makikita kang Hide icon, i on mo lang ito. 

Paano gamitin ang application na to? Una idownload mo syempre. Pagkatapos i download open mo and magrerequest siya ng security pin, ilagay mo lang yung gusto mong password pin. Mas maganda yung mahirap hulaan tulad ng 1234 Hahaha joke, pagkatpos ilagay mo din yung email address mo. Pangalawa, Ikaw na mismo pipili kung ano gusto mo itago na files. Ganun lang ka simple. 

Download the file from Google playstore here: https://play.google.com/store/apps/details?id=com.thinkyeah.galleryvault&hl=en

No comments:

Post a Comment