Sa post na to ay ituturo ko paano mang utang o apply ng loan sa lazada application, Oo! hindi ka nag kakamali ng pagbasa, hindi lang to online store na nakasanayan na natin kung saan tayo bumibili ng mga items dahil pwedeng pwede na ring mag loan sa lazada application (lazada loan app) Ayos diba? pero bago ang lahat introduction muna tayo.
Kung nangangailangan ka talaga ng pera ang i aadvice ko sayo ay subukan mo muna manghiram sa iyong mga kakilala, may chance kasi na pahiraman ka naman nila lalo na kung kaliitan lang din naman ang iyong kakailanganin, at ang kinagandahan pa ay minsan ay hindi na sila nag papatong ng tubo. Pero kung wala din sila at kailangan na kailangan mo na talaga ng pera at medyo kalakihan, ang second option na pwede kong i suggest ay mang utang sa banko, dahil sa banko pwede kang mangutang up to 1-2 million minsan pa nga mas mataas pa diyan.
Pero kung wala na talaga choice, ay subukan mong mag apply sa Lazada loan app!
Oo, hindi ka nagkakamali. Pwedeng pwede mag apply ng loan sa lazada app. Diba ansaya? Hindi lang store ngayon ang app ang Lazada, kundi nagkaroon ng bagong feature kung saan pwede na din mag apply ng loan. Laking tulong to' sa mga kinakapos ang sahod or may biglang pangyayari na kakailanganin ng pera, emergency kumbaga.
Pwede mag loan up to 50,000 PHP sa first loan! Pwedeng maapproved in just 24 hours at lowest interest rate as low as 2%! Sobrang baba hindi ba? Kung meron kang gusto at kailangan na kailangan mong bilhin sa Lazada ay pwedeng pwede mong i buy and pay later.
Paano nga ba mag loan ng cash sa Lazada loan app?
I download at iinstall lang ang Lazada app sa playstore at iopen, i click ang account sa pinaka baba.
Once na na'click mo na yung account sa pinaka baba ay mapupunta ka sa account page mo, scroll lang pababa hanggang dun sa lazada wallet at i click ang PHP or amount ng iyong lazada wallet.
Kapag nasa wallet page kana, i click lang ang loans. (tignan ang screenshot sa baba)
Pagka click mo sa "loans" ay mapupunta ka sa page kung saan ipapakita ang listahan ng mga partners ng lazada sa pag apply ng loan.
Eto ang mga partners ng lazada app sa pag apply ng loan
- Billease
- Tendo Pay
- Plentina
- Unapay
- Cashalo
- Digido
- Flexi Finance
- Lendpinoy
- InvestEd
Pipili ka lang kung anu diyan sa mga sumusunod ang iyong gagamitin pang apply ng loan sa lazada app.
Halimbawa:
Napili ko yung Billease dahil usap usapan na di daw sila nanghaharass at isa sa mga top OLA dito sa pilipinas. I click lang ang click here para mag simula ng mag apply.
sa page na to, ipapakita lamang ang calculator ng iyong i apply na amout. Tulad sa example, 9,000 ang iyong kunwari na i lo'loan tpos may downpayment na 2,000 at iniset mo yung payment terms ng 6x (3months) Ang monthly mo nun ay 2,508.
Kung masaya sa interest at kaya mong bayaran monthly payment, i click lang ang apply now at simulan mo ng sagutan ang form para maprocess na nila ang iyong loan application.
Pero kung nalilito ka sa Lazada app sa pag loan ay pwede ka naman na ding dumiretso sa Billease, pwedeng pwede mag apply direct sa app nila.
Para mas dumami ang chance na makapag loan ka ang tips na pwede kong ishare ay mag apply ka din sa mga sumusunod na OLA na natry ko na:
Kung sino man ang maunang ma approved pwede mo naman i cancel yung iba nun.
No comments:
Post a Comment