Usapang Pera, Tara dumiskarte tayo sa buhay!

Translate

Thursday, June 9, 2022

Paano mag loan sa Puregold?

Paano nga ba mag apply ng cash loan sa Puregold finance?



Halos lahat na ng Online money lending app nasubukan mo na ba? Ngunit lagi ka nalang rejected? O kaya naman sinuswerteng ma approved ngunit matataas naman ang interest, 1 month to pay or mas masaklap kung 14 days lang ang payment term at mas masaklap nanghaharass pa ang mga agent kung hindi maiwasang makapag bayad on time dahil nadin sa kahirapan ng buhay. Huwag ka mag alala, para sa iyo ang post na to.

Lahat naman siguro ng tao alam ang Puregold, dito tayo bumibili ng mga kailangan nating gamitin sa pang araw-araw, dito din bumibili ang mga nagtitinda ng sari-sari dahil sa mura nga naman ang mga bilihin. Pero alam nyo ba na pwede ding mag loan sa Puregold? Oo, tama ang iyong nabasa pwede ng mag salary loan sa Puregold kung ikaw regular employee na. Alam naman natin na mas mataas ang chance kapag regular employee ka na.

Alam mo ang kagandahan sa Puregold loan? Hindi kailangan na sobrang taas ang iyong sahod, kahit 10k ang above lang ang iyong monthly salary ay makakapag avail ka ng loan sa Puregold Finance, di tulad sa ibang banko sobrang taas ng standard nila pag dating sahod. 

Hindi narin kailangan ng collateral pag mag apply ng loan sa Puregold, andali pang mag apply - hassle free! Walang mga hidden charges, at madali lang maintindihan ang computations. Mabilis din approval dito! Saan kapa? sa Puregold finance kana


Loan amount from 20,000 to 200,000 pesos!


Anu ano nga ba ang mga qualifications kung mag apply ng loan sa Puregold?

- Kailangan ay regular employee ka at least 1 year kana sa iyong trabaho.

- Ikaw ay under sa stable na company, existing at least 5 years.

- Basic monthly na sahod mo ay atleast mininum wage.

See? Hindi kailangan na sobrang taas ang iyong sahod, kahit 10k ang above lang ang iyong monthly salary ay makakapag avail ka ng loan sa Puregold Finance.

Ano naman ang mga requirements kung mag apply ng cash loan sa Puregold?


BORROWER:

- Certificate of Employment with compensation (with salary information)

- 1 month payslip

- Company ID

- Electric bill or water bill

- SSS ID or any Government issued ID

- 2x2 pictures



CO-BORROWER:

- Certificate of Employment

- SSS ID or any Government issued ID

- 2x2 pictures

- Company ID


Eto ang example computation:

Halimbawa nag cash loan ako ng 50,000 pesos at gusto kong bayaran ito sa loob ng 6 months. Ang monthly na aking babayaran ay 4,916.67, kung i tototal mo lahat lahat ng payment. Ang total amount payable mo ay 59,000 pesos. Bale 9,000 pesos ang interest. Sobrang baba diba? Lalo na payable to 6 months.




Pano nga ba mag apply ng loan?

I download ang form at fill up'an. Panatilihing malinaw at tama ang mga detalye na iyong i lalagay sa form. 

I download ang form sa kanilang website:




Ganto ang itsura ng website ng Puregold finance kung saan mo i susubmit ang iyong loan application.





Yung "Select Branch" I click mo lng para piliin mo kung saang branch ka malapit, kung wala doon ang branch na malapit sa inyo ay subukan mong mag visit mismo.

Kapag napili na ang tamang puregold branch ay ilagay ang iyong fullname. 

At Email address naman, tandaan na ilagay ang iyong active email address para makareceive ka ng updates from them para malaman kung approved kaba or rejected.

Once na nadownload mo na at natapos sagutan ang form ay i click ang apply now at gawin ang mga sumusunod sa taas kung paano magsubmit ng application form for cash loan.

No comments:

Post a Comment