Usapang Pera, Tara dumiskarte tayo sa buhay!

Translate

Monday, July 4, 2022

Paano makaiwas sa OLA Harassment?

Paano nga ba maiiwasan ma'harass ng mga Online Lending app o OLA?

Paano makaiwas sa OLA Harassment?
Credit from pexels.com

Isa ka rin ba sa mga nakapag utang or loan nadin sa mga lending apps online or loan app elite? Hindi na talaga natin maiwasan mang utang or magloan lalo na sa panahon ngayon, sobrang hirap makahanap ng trabaho lalo na noong kasagsagan ng covid pandemic. Paano ka nga naman mabubuhay sa panahon ngayon kung wala kang pera. Kaya isa ang Online lending app sa takbuhan ng mga taong gipit ngayon, lalo na sobrang dali lang ang pag apply, isang valid ID at proof of income lang pwedeng pwede kanang ma approved. Pero huwag ka mapasubo sa mga Online lending apps jan, dahil ang iba ay Loan shark lang. 

Ano nga ba ang Loan sharks? Ito ay yung mga ilegal na online lending apps na nagbibigay ng matataas na interest at nanghaharass online. May mga naboblock or tinatanggal na sa Playstore dahil nafaflag na ito as loan sharks. Dahil sa kailangan mo ng pera hindi mo na talaga matanggihan. Suntok sa buwan kumbaga. Ang ilan sa mga online lending apps ay hindi talaga nakakatulong, minsan ibabaon kapa talaga nila.

Pero may mga ilan din naman naging maayos ang transaction at experience sa mga online lending apps, nakapag bayad ng maayos at makipag usap sa mga agent. Meron din namang may mga panget na naranasan at yun ang yung mga tinatawag na OLA harassments, iyon ay ipapahiya ka ng mga agent sa iyong mga kakilala, ipopost ka din minsan sa facebook, gagawa sila ng mga group chats at ipapahiya ka dun. Minsan pa nga sa fb group ng inyong barangay ay ipopost ka at sasabihin na ikaw ay scammer. Sobrang hirap at sakit ng ganoon hindi ba? Sa maliit na halaga na pera ay ipapahiya ka sa mga tao, may mga ilan ang hindi nakakaya ang pampapahiya ng mga agent, ang iba ay na sstress, ang malala kung minsan ay nadedepress, ang nakakalungkot ay ang iba ay nagpapakamatay dahil sa kahihiyan na natanggap nila. 

Kung hanap mo ay legit at hindi nanghaharass na Online lending apps, eto ang ilan sa mga subok ko na:


Naiintindihan kita kung minsan natataon talaga na wala kang pambayad, hindi mo ito sinasadya, walang wala lang talaga sa mismong due date mo. May mga ilan na online lending apps na nakakaintindi sa mga pangyayaring ito tulad ng Billease at Tala. Ilang araw na akong delay sa Billease dahil sa nagamit ko ang aking pera pambili ng gamot dahil na operahan ako kamakailan, never akong naka receive ng mga masasakit na text message sa kanila, never sila nag spam text sa akin. Never din sila tumawag sa aking mga references or contact sa phone, bagkus ay naintindihan nila ang aking kalagayan. Nag email ako sa kanila at inexplain ko ang sitwasyon ko at laking gulat ko ng pinagbigyan nila ako. .

Di kana rin ba makatulog kakaisip kung paano makaka bayad? At hindi nadin makatulog sa mga panghaharass at pamamahiya ng mga Loan sharks online? Eto ang ilang tips para maka iwas sa mga panghaharass ng mga Loan sharks agents.

Tips kung paano makakaiwas sa OLA harassment


1. Don't be stressed, Relax.

- Huwag ka mag iisip at magmukmok diyan, dahil sa totoo lang ay ilegal ang ilan sa mga Online lending apps at iyong ay ang mga tinatawag na Loan sharks, dahil sa laki ng mga interest na pinapatong nila, at bawal na bawal ang panghaharass na ginagawa nila. Ang iba pa nga ay Death threats na matinding pinagbabawal ng batas. Kung may mga nagsasabi neto sayo ay pwede mo silang ireport sa NBI. Hindi mo naman sila tatakasan sa utang mo, nagkataon lang talaga na nagipit or nagastos mo ang iyong pambayad. Kung maari ay makiusap or sabihan mo sila sa iyong sitwasyon. 

2. Don't allow phone permission

- Para maiwasan kontakin ang iyong mga kaibigan sa iyong contacts, ay huwag mong i allow yung phone permission. Pag kasi inallow mo yun ay binibigyan mo ng access ang app na kunin o iretrieve ay iyong mga contact list sa iyong phone. Pumunta lang sa app setting at hanapin ang Lending app na iyong inapplyan, i click ang app permission at i Don't allow mo lang ito.


3. Lock your Facebook profile

- Para maiwasan na kontakin ang iyong mga facebook friends, i post ka sa iba't ibang group at ipahiya ka sa social media ay i lock mo ang iyong facebook profile, dahil pag nalock mo ito ay never nila makikita ang iyong mga friends sa facebook.



4. Matulog kana, magdasal.

- Oo, tama matulog ka at huwag mag isip isip pa. Lahat magiging maayos din. Huwag kang mag pa stress hindi nakakatulong yan bagkus ilulugmok ka niyan. Higit sa lahat magdasal ka, dahil hinding hindi ka pababayaan ng taas. Kung naiisip mo na makukulong ka sa utang, hindi! Dahil walang nakukulong sa utang, kung small claims naman ay ibaba pa ng korte or aalisin ang interest ng iyong utang. Pero imposibleng mangyari na mapunta pa ito sa small claims, dahil sa laki ng gagastusin ng mga Loan sharks sa pagkuha ng abogado, e anliit liit lang naman ng iyong inutang kumpara sa gagastusin nila.



Kung maari kung uutang man, ay panatilihin natin itong bayaran kahit saan man, sa kaibigan, pamilya, kamag anak o kahit sa banko man. Magbayad padin kung maari lalo na't nagamit at nakatulong naman sa atin ang pera na hiniram natin. Kung walang pambayad, huwag ka nalang mang utang para wala kana lang din maging problema bandang sa huli. Pero kung kailangan na kailangan mo talaga ng pera ay pilitin mo nalang makabayad.

No comments:

Post a Comment