Paano pataasin ang gcash gscore credit para maging qualified for cash loan?
Karamihan ngayon ay mayroon ng gcash account, sapagkat napakalaking tulong nga naman neto sa pang araw araw nating pamumuhay, tulad ng pwede kang magbayad ng bills sa kuryente, ilaw, loan, gov't contributions at iba pa, pwede din ditong mag load (Globe, TM, Dito, Smart at iba pa) Di lang yan pwede ka rin mag ipon dito dahil meron din itong features na Gsave. Kulang nalang ay maging Gcash international na ito.
Meron din namang Glife & Ginsurance kung saan pwede kang mag apply ng insurance. Pwede rin itong pang transfer ng pera sa banko. Nakakabilib diba? Sa isang app, madami kanang magagawa. Isa din itong digital wallet kung saan pwede kang magtabi ng mga extra mong pera, mag ipon kumbaga.
Ang kinaganda sa app na to, kung ikay ay Globe/TM sim users ay libre mong maaaccess ito. Ginagamit ko ang gcash lalo na kapag bumibiyahe ako, kapag nawalan ako ng load, inoopen ko lng ang gcash para makabili ng load, hindi ko na kailangang humanap ng wifi station dahil libre lamang maacess ang gcash app kung ikaw ay Globe Telecom/TM sim users. Sobrang laking tulong diba? Lalo na pag may emergency.
Pero mabalik tayo sa ating topic, panigurado ay narinig mo na or napanuod mo na sa ibang youtube channel na pwedeng mag loan sa Gcash app. Pero ang problema ay mababa padin ang iyong gscore at dahil diyan ay hindi ka qualified for Cash loan.
Ano nga ba ang pwedeng gawin para mapataas ang iyong Gcredit score sa gcash app at maging qualified sa cash loan?
Simple lang, maging active lang sa pag gamit ng Gcash app, gamitin lagi itong sa iyong transactions online, tulad ng:
1. Cash in. Kung kaya ay mag cash in lagi sa gcash app, pwedeng mag cash in sa 7/11 or Mini stop. Pero sa ngayon mas pinadali na dahil ang ilan sa mga sari sari store ay nag ooffer na rin ng cash in & out. Yun lang ay may bayad ito around 10-20 pesos, ganun din sa 7/11 or Mini stop.
2. Pay using gcash qr code, halimbawa nasa mall ka at may gusto kang bilhing damit or kahit anong gamit at tumatanggap ng gcash payment ang stall/store, gamitin mo ang iyong gcash bilang payment i scan mo lamang ang qr code nila. Pwede din sa mini stop or 7/11, ganun ginagawa ko kapag bumibili ng miryenda, gcash lang ang gamit ko. Diba less cash, nakaka sosyal pa ng konti. Haha
3. Pay billls, oo gamitin mo ang gcash app sa pagbayad ng bills. Tulad ng experience ko, dito ako nagbabayad ng home credit loan ko at internet connection. Sobrang dali lang din naman magbayad. 15 pesos lang naman ang transaction fee. Pwede din magbayad ng gov't contributions tulad ng SSS, Pag ibig, Philhealth at iba pa.
4. Invest, oo subukan mo ding mag invest sa app na to. Dahil sa halagang 50 pesos ay pwede ka nang mag invest. Ang pag iinvest sa gcash app ay nakakatulong din para mapataas ang iyong gscore credit para maging qualify ka sa cash loan.
5. Save, mahilig ka din mag ipon? Mas mainam dahil merong feature ay gcash app at ito ay ang Gsave kung saan pwede mong ilagay ang iyong mga natitirang pera para ipunin, ang maganda dito ay may interest pa! Diba mag gogrow pa ang iyong savings.
Ang partner banks ng gcash sa pag save ay BPI at CIMB bank, pili ka nalang kung saan mo mas gustong mag save ng pera.
Sundan lang ang 5 tips sa taas para tumaas ang iyong gscore credit para maging qualify ka sa cash loan na pwedeng makapagloan up to 30,000 pesos! At ang interest rate ay 3%. Sobrang baba hindi ba? Kaya mas maganda talagang mag loan sa Gcash app.
No comments:
Post a Comment